Dahil sa bagyong Yolanda, Rep. Romualdez nais maging speaker

Manila, Philippines – Inamin ni Leyte Representative Martin Romualdez na ang bagyong Yolanda ang nagtulak sa kanya para ituloy ang pagtakbo sa Speakership race.

Paliwanag ni Romualdez, nakita niya ang pagtulong ng mga kongresista sa kanyang lugar sa Tacloban na malubhang napinsala noon ng Super Bagyong Yolanda.

Nais ni Romualdez na ibalik sa kanyang mga kasamahan ang utang na loob sa pamamagitan ng paglilingkod.


Inamin din ng mambabatas na nagdodoble kayod siya na maging sync at compatible sa Pangulo at sa mga anak nito kaya dumadalo siya sa mga events na ipinapatawag ng Presidente at first family.

Naniniwala nama si Albay Representative Joey Salceda na “strong contender” si Romualdez sa speakership race dahil hindi basta-basta ang track record nito at mga naisulong na batas.

Tiwala naman si Romualdez na may numero ito at sa July 22 magkakaalaman kung sino talaga sa kanila nila Marinduque Representative Lord Allan Velasco at Taguig City Representative Alan Peter Cayetano ang mauupong Speaker.

Facebook Comments