MOA sa pagitan ng STII ng DOST at NPC pinirmahan na para sa turn over ng Starbooks

Manila, Philippines – Pormal ng pinirmahan ang kasunduan sa pagitan ng Science Technology Information Institute (STII) ng DOST at National Press Club (NPC) ang turn over ng Starbooks Units na pakikinabangan ng mga miyembro ng NPC.

Sa ginanap na forum sa NPC sinabi ni DOST Assistant Regional Director Arman Bionat na malaking tulong sa malalayong lugar na hindi naaabot ng internet ang Starbooks project ng  Science Technology Information Institute ng DOST at ng National Press Club ang ginawang ceremonial signing ng Memorandum of Understanding (MOU) ng dalawang institusyon.

Ayon kay Bionat, pakikinabangan ng mga miyembro ng NPC ang Starbooks project ng DOST dahil kung mayroon silang mga kailangang hanapin impormasyon ay agad makikita ito sa Library in a Box kung saan lahat ng mga impormasyon na kanilang kakailanganin ay makikita sa naturang Starbooks.


Paliwanag ni Bionat nasa limang taon na ang ahensiya sa pagbibigay ng units sa mga liblib na lugar na hindi kayang abutin ng internet connection.

Binigyang diin ni Bionat napakahalaga ang Starbooks sa mga impormasyon na kakailanganin ng mga anak na miyembro ng NPC na maaari silang mag-research na may kinalaman sa science at technology.

Facebook Comments