Dahil sa banta ng manipis na reserba ng kuryente sa Abril hanggang Hunyo…Department of Energy, ituturo sa mga ahensya ng gobyerno kung papaano makakatipid sa paggamit nito

Manila, Philippines – Mag-iikot ang mga tauhan ng Department of Energy sa mga ahensya ng gobyerno na malakas kumunsumo ng kuryente.
 
Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, layon nitong ituro sa mga ahensya ng gobyerno kung paano makatipid sa kuryente.
 
Aniya, posible kasing makaranas ng brownout ang Luzon dahil sa magiging manipis ang reserba ng kuryente mula abril hanggang Hunyo.
 
 
Payo naman ng DOE sa publiko, dalasan ang pagligo para maiwaan ang madalas na paggamit ng aircon at electrifan.
 
Bawasan ang paggamit ng telebisyon at ma-mlantsa ng isaan at gawin ito sa gabi kung saan mas mura ang kuryente.
 

Facebook Comments