Pahayag ng New York Times tungkol kay Pa ngulong Duterte, pinalagan ng Malacañang

Manila, Philippines – Tinawag na isang bayad na artikulo ng Malacañang ang inilathala ng New York Times noong March 21.
 
Sa artikulo na pinamagatang “Becoming Duterte: The Making of a Philippine Strongman”… inilahad ang pagiging mainitin ng pangulo at ang pagiging pasaway nito sa mga magulang noong bata pa.
 
Nagtapos pa ang artikulo sa isang pahayag ni Sen. Antonio Trillanes na tumutukoy kay Duterte bilang “Mass Murderer”.
 
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella — isa itong pang-iinsulto at hindi makatarungan.
 
Lumalabas lang aniya na hindi interesado ang New York Times na alamin ang buong katotohan.
 

Facebook Comments