Dahil sa dating alitan, tiyuhin tinaga ng sariling pamangkin, patay

11

Tangalan, Aklan — Dead on the spot ang tiyuhin matapos na tagain sa leeg ng sariling pamangkin kahapon ng umaga sa Sitio Ilawod, Brgy. Tondog, Tangalan, Aklan. Ang biktima ay kinilalang si Melchor Tapispisan, 61-anyos habang ang suspek ay kinilala namang si James Tapispisan Benigno, 43-anyos at parehong residente ng nasabing lugar. Sa paunang imbestigasyon ng Tangalan PNP lumalabas na kahapon ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa kung saan unang tinangkang tagain ng biktima ang kanyang pamangkin dahilan para bumunot din ito ng itak saka tinaga ang biktima sa leeg na halos maputol na ito. Lumalabas din na matagal ng alitan sa lupa ang naging dahilan ng nasabing krimen. Matapos ang krimen ay tumakas ang suspek pero nong huli ay sumuko ito sa Altavas PNP at sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng Tangalan PNP at sinampahan ng kasong homicide.

Facebook Comments