Capital na P1,000, ginamit ng isang housewife sa pagsisimula ng online store

25

Not your typical housewife ang peg ng online seller at owner ng Brenz Online Shoppe na si Brenda Castillo.

Sa segment na ‘Business as Usual’ sa Usapang Trabaho ng RMN DXZL 558 Radyo Trabaho, sinabi ni Brenda Castillo na nagsimula siya sa puhunan na P1,000 hanggang P2,000 lamang.


Dahil sa Brenz Online Shoppe, hindi na raw kailangan pang pumunta at makipagsiksikan ang kanyang mga customer sa Divisoria dahil siya na mismo ang naghahatid sa kanilang mga bahay ng mga items tulad ng beauty products, household products at mga trending na damit.

Pang-masa at abot-kayang presyo lang din daw ang kanyang mga paninda na dahilan ng pagdami ng kanyang mga customers.

Bukod sa Facebook, pinasok na rin ni Brenda ang online shopping application na Shopee para mas dumami pa ang kaniyang customer.

Facebook Comments