DAHIL SA DEPRESYON | Isang babaeng Korean national, nagpakamatay sa Makati City

Makati City – Isang babaeng Korean national ang nagpakamatay makaraang tumalaon sa ika-43 palapag ng Salcedo Park Tower 1 Condominium sa HV Dela Costa sa Barangay Bel air, Makati City.

Kwento ng mister na si Kim Young Hin, dalawang beses nang nagtangkang magpakamatay ang kanyang misis na si Kim Min Yun, 35 taong gulang noong 2016 sa pamamagitan ng drug overdose.

Sinabi pa sa kanya ng kanyang misis na may malala siyang sakit at malapit nang mamatay pero hindi naman inamin kung ano ito.


Kwento pa ng mister, natutulog siya nang gisingin siya ng kanyang anak na babae para ipaalam ang pagtalon ng kanyang ina.

Posibleng depression ang nagtulak sa biktima para gawin ang pagpapakamatay.

Facebook Comments