KUMPISKADO | Higit sa 40 milyong hinihinalang shabu narekober sa Parañaque City

Parañaque City – Aabot sa 6 na kilo ng shabu ang nakumpispa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Region 3 at NCR sa isinagawa nilang operation sa Sitio Sto. Niño, East Service Road, Parañaque City.

Sa nasabing operasyon, arestado ang dalawang suspek na sina Dolores Lintag at Melchor Corocoto na siyang may hawak ng mga iligal na droga.

Nabatid na ide-deliver sana ng mga suspek ang shabu ng maharang ng mga otoridad.


Nakuha mula sa mga suspek ang halos 41 milyong piso halaga ng shabu na nakabalot ng malaking foil.

Kasalukuyan isinasailalim sa interogasyon ang mga suspek para malaman kung sino ang source nila ng iligal na droga.

Facebook Comments