DAHIL SA FACEBOOK | Nigerian couple – nagpakasal, isang linggo matapos magkakilala sa Facebook

Panghimagas – Usap-usapan ngayon ang isang Nigerian couple na nagpakasal, isang linggo pa lang matapos na magkakilala sa pamamagitan ng social media!

Una rito, nag-post si Chidimma Amedu sa kanyang Facebook account tungkol sa paghahanap niya ng asawa.

May caption itong: “Am of age to and I am ready to say I do and I am wasting no time. Send in your applications. The most qualified will be married on January 6, 2018.”


Isang Sophy Ljeoma naman ang natawa at nag-comment na interesado siya.

At pagkatapos na magkomento, nag-message daw agad sa kanya si Chidimma at inaya siyang mag-date.

Sa parehong araw, pumayag na rin ang kanilang mga magulang na ikasal sila na ginawa nga noong January 6, alinsunod sa FB post ni Chidimma.

Facebook Comments