DAHIL SA HINDI PAGKAKAINTINDIHAN NG MAGKARELASYON, 22-ANYOS NA LALAKI, NAGPATIWAKAL

Ikinalulungkot ngayon ng kaanak ng isang binata sa Brgy. Buenlag East bayan ng Mangaldan matapos madatnan ang katawan nitong wala ng buhay.
Nakilala ang biktimang si Mark Kenneth Cerezo, 22-anyos at residente ng nasabing bayan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa imbestigador ng kaso na si PSSg Jerry Villena ng Mangaldan PS, nang makauwi umano ang magulang ng biktima na pumasyal sa Baguio City na namasyal ay nadiskubre ng mga ito na ang anak nilang naiwan sa kanilang tahanan ay isa nang malamig na bangkay, nakita sa crime scene na nakatali ang leeg ng biktima gamit ang isang tali sa bubong ng kanilang bahay.

Agad na dinala sa Region I Medical Center sa Dagupan City ang katawan ng biktima ngunit kalaunay idineklara ding dead on arrival ng doktor.
Base umano sa pagtatanong-tanong ng imbestigador sa pamilya ng biktima, nagpakamatay umano ang kanilang anak dahil sa hindi pagkakaintindihan nito sa kanyang karelasyon na humantong sa hiwalayan.
Sa ngayon, kumbinsido na ang kaanak na biktima at hindi na isinailalim sa mas malalim na imbestigasyon ang sinapit ng kanilang anak. |ifmnews
Facebook Comments