Dahil sa illegal na sabong, 8 kalalakihan, arestado

22

Kalibo, Aklan – Arestado ng mga kapulisan ang walong kalalakihan matapos na maaktuhang nagsasagawa ng illegal na sabong kahapon ng hapon sa Brgy. Bulwang, Numancia, Aklan. Ang mga naaresto ay sina Roel Inac, 33-anyos, Eliseo Lachica, 37-anyos, Ronel Gomez, 27-anyos, Joseph Basid, 41-anyos, Edsel Lachica, 25-anyos Jeoffrey Del Rosario, 42-anyos at Ralph Anthony Fernandez, 25- anyos lahat residente ng nasabing lugar at si Danilo Zonio, 52 anyos na taga New Buswang, Kalibo. Base sa report ng Numancia PNP na na-recover sa mga naaresto ang dalawang pangsabong na manok, tari at perang nagkakahalaga ng Php 4, 740.00 bilang taya. Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa PD 449 at 11332 o Illegal Cockfighting ang mga naaresto.


Facebook Comments