Miyembro ng Komunistang Grupo, Sumuko sa mga Otoridad

Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya, July 29.

Bandang 8:15 ng umaga ng sumuko ang isang alyas ‘Juan’, 24-anyos, binate at residente ng Sitio Omoc, Nagbitin, Villaverde, Nueva Vizcaya

Ito ay sa kabila ng patuloy na kampanya ng mga otoridad maging ang pwersa ng 1st Nueva Vizcaya PMFC na pinangunahan ni PLTCOL. SAMSON KIMMAYONG, Villaverde Police Station, 1st Cagayan PMFC, NICA, RIU2, NVPIB, 17th IB, 54th IB and 86th IB.


Nabatid na miyembro ng Team Dos, Squad Dos Platoon Dos of Danilo Ben Command at nasa Komiteng Larangan ng West Cagayan ang sumukong miyembro ng komunistang grupo.

Ayon sa pahayag ni Nueva Vizcaya PPO Provincial Director, PCOL. Richard Saavedra, sabay din na isinuko nito ang isang caliber 38 revolvers; walong (8) piraso ng mga bala, isang kapote (raincoat), isang hammock; 13 piras ng M79 ammunition; at isang piras ng bota maging ang iba pang subersibong dokumento.

Hinikayat naman ni Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves ang natitira pang rebelde na matamasa ang mga program ng gobyerno para sa kanilang pagbabagong buhay.

Nananatili sa kustodiya ng mga otoridad ang binate habang inihahanda ang mga benepisyo na posible nitong tanggapin.

Facebook Comments