Dahil sa illegal na sugal, 7 arestado

Kalibo, Aklan – Arestado ng mga kapulisan ang pitong katao matapos maaktuhang nagsusugal ng ‘pusoy” kagabi sa Brgy. Linabuan Norte, Kalibo.
Ang mga nahuli ay sina Niño Magno, 35-anyos; Joren Magno, 30-anyos; Jun Tapic, 35-anyos; Franklin Armenio, 42-anyos, lahat residente ng Linabuan Norte, Kalibo at Emerson Dela Cruz, 22-anyos; Joshua Reyes, 20-anyos, na mga residente ng Brgy. Linabuan Sur, Banga at Elna Marinio, 36-anyos, residente naman ng Brgy. Libas, Banga.
Na-recover naman ng mga kapulisan sa lugar ang isang set ng baraha at perang Php 5, 050 bilang taya.
Sa ngayon ang mga nahuli ay naka kulong sa lock up cell ng Kalibo MPS at posibleng mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling.

Facebook Comments