Mangingisda, Dinakip Matapos Masamsaman ng Armas at mga Bala

Cauayan City, Isabela- Tuluyang inaresto ng mga kapulisan ang isang mangingisda matapos masamsaman ng baril at mga bala sa Centro West, Ballesteros, Cagayan.

Sinilbihan ng search warrant ang suspek na kinilalang si Elmer Dela Cruz, 60 anyos, may-asawa at residente ng naturang lugar.

Nakumpiska sa pag-iingat nito ang isang (1) US Carbine Caliber .30 M1 na 13 pirasong bala, limang (5) piraso ng magazine ng Carbine at 29 piraso ng bala ng Cal. 5.56 MM.


Ang ginawang paghalughog sa bahay ng suspek ay sinaksihan ng kanilang barangay Kapitan na si Aldwin Ramirez at Kagawad Diosdado Alejo.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek maging ang mga nakumspiskang mga bala at baril para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments