DAHIL SA INIT NG PANAHON, ILANG BANGUS GROWERS SA DAGUPAN CITY, UNTI-UNTI NANG NARARANASAN ANG PAGKALUGI

Nararanasan na sa lungsod ng Dagupan ang unti-unting pagkalugi ng ilang bangus growers dahil sa nararanasang mainit na panahon.
Isa sa tinitignang dahilan ng mga ito ay ang mabagal na paglaki ng mga panindang isda na sanhi ng mainit na klima.
Ayon sa ilang bangus growers, ngayong buwan ng Abril umano ang umpisa sana ng anihan sa mga ito ngunit dahil nasa 20cm pa lamang ang haba ng mga pinapalaking isda partikular na ang isdang bangus na may standard na size na 30-35cm nah aba para ibenta sa merkado dahilan upang hindi maani-ani ang isda.

Dahil sa mabagal ng paglaki ng mga ito, nalulugi na ang mga mangingisda dahil sa dami na rin ng kanilang nabiling pampakain sa mga ito.
Sa ngayon patuloy ang monitoring ng provincial agriculturist sa maaaring gawin upang matulungan ang mga bangus growers sa Pangasinan upang hindi maapektuhan ang hanapbuhay ng mga ito. |ifmnews
Facebook Comments