DAHIL SA INJURY | Brazilian football superstar Neymar, posibleng hindi makapaglaro sa World Cup

Sports – May malungkot po na balita para sa mga fan ng Brazil at Paris St. Germain.

Posible kasing hindi makapaglaro sa 2018 FIFA World Cup si Neymar dahil sa tinamo nitong injury sa buto nito sa paa.

Sa inisyal na report aabutin ng dalawa o tatlong buwan bago gumaling ang nabasag na ikalimang meta-tarsal sa kaniyang paa matapos itong operahan sa darating na Sabado


Dahil dito malaki ang posibilidad na hindi makapaglaro ang Brazilian captain sa World Cup na magsisimula sa June 14 sa Russia.

Malabo ring makapaglaro si Neymar sa PSG sa kabuuan ng Ligue 1 (Lig 1) sa France.

Facebook Comments