DAHIL SA KATIWALIAN | Pagsibak kay dating SSS Commissioner Jose Gabriel La Viña, dahil sa korapsyon – Malacañang

Manila, Philippines – Katiwalian ang nag-udyok kay Pangulong Rodrigo Duterte para hindi na i-renew ang termino ni Social Security System Commissioner Jose Gabriel La Viña.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may apat na basehan ang pangulo para sibakin si La Viña.

Aniya, kabilang rito ang paghiling ni La Viña to ng P26 milyon na pondo para sa social media project na siya rin ang host at P1.6 milyon na budget kada buwan para sa media advertising program.


Humiling rin aniya si La Viña na i-accredit ang pitong broker na tumutok sa SSS investment kahit na hindi pasok ang mga ito sa requirement.

Sinabi pa ni Roque, na naging basehan rin ng pangulo ang pagsasalita ni La Viña laban sa apat na SSS executive kung saan dalawa sa mga ito ang nagresigned.

Samantala, sa isang pahayag, iginiit ni La Viña na ang pahayag ni roque ay iba sa sinabi sakaniya ni Special Assistant to the President Bong Go.

Aniya, siniguro ni Go na hindi siya inaakusahan ng Pangulo ng pagiging korap.

Naniniwala rin aniya siya na hindi galing sa Pangulo ang mga alegasyon ni Roque.

Facebook Comments