NARARAPAT? | Nationwide curfew hour para sa mga kabataan, isinusulong ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Ipinapanukala ni bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera Dy ang pagpapatupad ng nationwide curfew hour sa mga kabataan.

Base sa panukala, hindi na dapat lumabas ang mga 18 year old pababa mula alas 10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.

Sa ilalim rin nito, hindi lang community service ang parusa sa mahuhuli dahil pagmumultahin na rin sila.


Maging ang magulang ng mahuhuling kabataan ay pananagutin rin.

Giit ni Dy, napakarami na kasing mapang-abusong tao sa iba’t-ibang lugar sa bansa kaya’t nararapat ang nationwide curfew hour.

Facebook Comments