DAHIL SA KORAPSYON | Lima pang opisyal ng gobyerno, sisibakin ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – ‘Gugulong ang ulo’ ng limang opisyal ng gobyerno dahil sa korapsyon.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, sisibakin niya ang mga opisyal dahil sa mga ilegal nitong gawain.

Bagaman walang binanggit na pangalan, isa aniya sa mga ito ay mataas na opisyal.


Kasabay nito, muling nagbabala si Duterte sa mga gumagamit ng kanyang pangalan para sa kanilang sariling interes.

Aniya, huwag tanggapin ang anumang proyekto gamit ang pangalan ng kanyang mga kamag-anak.

Una nang nadawit ang nakababatang kapatid ng Pangulo na si Emmanuel Duterte sa kontrobersiya dahil sa umano ay ipinaap-aprubahang proyekto sa gobyerno na cryptocurrency exchange platform.

Facebook Comments