Tukuran, Zamboanga del Sur—-Bunga ng biglaang pagbuhos ng malakas ng ulan sa lalawigan ng Zamboanga del Sur ay gumuho ang isang bahagi ng bundok sa Lower Bayao Road sa bayan ng Tukuran, Lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Hindi agad naalis ang lupa at mga bato sa daan dahil sa tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga ito sa kalsada. Nagdulot ito ng matinding pagka abala sa mga biyahero dahil tumagal ito ng ilang oras. Ang iba sa mga biyahero ay naglakad na lamang at lumipat sa ibang sasakyan.
Subalit ng mabuksan ang kalahating bahagi ng kalsada ay agad na pinadaan ng mga tauhan ng DPWH ang mga motorista. Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa pangyayari at iba pang napinsala sa nasabing pagguho.
Naglagay na rin ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Warning signs sa mga naapektuhang kalsada habang isinasagawa ang clearing operation. Sa ngayon patuloy ang panawagan ng PDRRMO sa lahat ng mga tao na mag-ingat dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa buong probensiya. (Kenneth Alvin Bustamante/Mel Coronel/dxpr News responds Team.
Dahil sa Landslide, mga motorista istranded ng ilang oras sa Zamboanga del Sur
Facebook Comments