Dahil sa larong Mobile Legends, 7 arestado

Kalibo, Aklan – Arestado ang pitong kalalakihan kahapon ng hapon matapos mahuling naglalaro at nakikiagpustahan sa larong Mobile Legends sa Sto. Niño Village, Poblacion, Kalibo. Nahuli ang mga ito ng magsagawa ng operation ang mga pulis matapos makatanggap ng report na merong nagpupustahan sa larong ML sa lugar. Na rekober ng mga pulis ang 7 cellphone at perang nagkakahalaga ng Php 6, 110.00 pesos bilang taya. Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Illegal Gambling ang mga nahuli.

Facebook Comments