"One Iranun " hangad na palakasin sa BARMM

34

Hangad ng pagtungo ng mga opisyales mula Iranun Town ng Maguindanao sa tanggapan ni BARMM Chief Minister Murad Ebrahim ay upang ipakita ang buong suporta ng mga ito sa isinusulong na adbokasiya ng BARMM Government na maimplementa sa buong rehiyon ang Moral Governance.

Kanina, magkakasamang bumisita sa tanggapan ni CM Ebrahim sina Sultan Kudarat Mayor at kasalukuyang LMP President ng probinsya Datu Shameem Mastura, Buldon Mayor Abolais Manalao, Matanog Mayor Kits Guro at Board Member Datu Cho Biruar.


Inilahad din ng mga opisyales ang kanilang adhikain na lalo pang palakasin ang samahan ng mga Iranun Towns sa tulong ng BARMM Government, para na rin sa pagpapanatili ng katahimikan bukod pa sa tuloy- tuloy na mga proyekto sa kani-kanilang bayan.

Inisyal na ring inilatag ng mga opisyales ang kanilang isinusulong na ONE IRANUN Program.

Ang Iranun Town sa Maguindanao ay binubuo ng mga bayan ng Matanog, Barira, Buldon, Parang, Sultan Mastura at Sultan Kudarat. Halos lahat ng mga LGU ay Awardee ng Seal of Good Local Governance ng DILG. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments