Dahil sa mabagal na vaccination program, pagkamit sa herd immunity, posibleng sa 2027 pa

Nagbabala si Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate na posibleng umabot pa ng anim na taon bago makamit ng bansa ang herd immunity.

Ayon kay Zarate, kung mananatili ang kasalukuyang pace ng daily vaccination na nasa 620,654 kada araw, malabo na makakamit ng bansa ang herd immunity sa katapusan ng taon.

Kung ganito aniya kabagal ay maaaring anim na taon ang abutin o sa May 2027 pa makukuha ng bansa ang herd immunity.


Batay sa available data, ang vaccine supply ay umabot na sa pitong milyon na sapat para makatanggap ng dalawang dose ng bakuna ang nasa 3.57% na populasyon sa bansa.

Pero kung patuloy aniya na magiging mabagal ang pag-usad ng vaccination program ng pamahalaan ay posibleng abutin ng expiration ang mga COVID-19 vaccine sa June at masasayang lamang ang mga ito.

Mababatid na ibinabala ni dating IATF adviser Dr. Tony Leachon na kailangang magamit o maibakuna na agad ang 1.5 million na doses ng AstraZeneca dahil ito ay mag-e-expire na sa Hunyo habang may iba pang 500,000 doses ang mag-e-expire naman sa Hulyo.

Facebook Comments