DAHIL SA MAINTENANCE | Ilang lugar sa Tondo, Manila mawawalan ng water supply

Tondo – Mawawalan naman ng supply ng tubig ang Brgy. 1-4, 6-9, 56-65, 74-76 at 78 sa Tondo, Manila.

Ito ay dahil sa maintenance activity ng Maynilad sa Moriones Street, mula Sta. Maria Street papuntang Juan Luna Street simula mula alas-11:00 ng gabi mamaya hanggang alas-3:00 ng madaling araw kinabukasan, December 12.

Inaabisuhan naman ang mga apektadong customer na mag-ipon na ng sapat na supply ng tubig upang hindi na maabala habang isinasagawa ang pagsasa-ayos.


Facebook Comments