Luis Manzano, game na nakipagsagutan sa mga followers ni Jessy Mendiola

Showbiz – Game na game at hindi na napigilan ni Luis Manzano na makisagot sa mga comments sa larawan ng kaniyang kasintahan na si Jessy Mendiola.

Sa post kasi ng sexy actress sa kaniyang instagram account, makikitang naka-two piece bikini ito habang nakahiga sa kama.

Ilan sa sinagot ni Luis, ay ang comment ng isang follower kung saan sinabi nito na kung puwede niyang makatabi ang actress ng isang gabi.


Say ni Luis, kung puwedeng siya na muna ang makatabi nito bago ang kaniyang nobya.

Idinaan na lamang din ng TV host actor sa biro ang iba pang mga komento ng mga followers ni Jessy lalo na ang mga bashers nito.

Facebook Comments