Dahil mali ang narinig, ‘Moana’ themed cake nauwi sa ‘Marijuana’ design

331
Image via Facebook/Kensli Taylor Davis

Agaw-pansin ngayon sa social media ang marijuana-themed cake ng isang birthday celebrant sa Milledgeville, Georgia – dahil sa nakatatawang pagkakamali.
Ayon kay Kensli Davis, avid fan ng Disney movie na “Moana”, hiniling niya sa kanyang magulang na ang nasabing character ang design ng kanyang 25th birthday cake.
Agad tumawag ang nanay ng dalaga sa Dairy Queen shop para mapagbigyan ang kagustuhan ng anak. Nung madeliver, laking gulat nilang iba ang ginawang design sa cake.
Sagot ng crew sa pamilya ni Davis, “Marijuana” ang kanilang narinig at hindi “Moana”.

“I haven’t had a chance to tell y’all about our experience this weekend with my birthday cake. So my mama called and ordered me a cake telling them how much I loved Moana. (Because really I do) Well needless to say these people thought she said marijuana. That ice cream cake was still good though,” caption ni Davis sa Facebook post.

Humingi ng dispensa ang baker sa naging pagkakamali at sinabing papalitan ang maling cake na ginawa.


Pero pinalagpas na ito ng pamilya dahil masarap naman ang naunang cake na binigay.

Sa ngayon, umani ng 26,000 shares and likes ang post ni Davis.

Facebook Comments

From Advertisers