37 anyos na babaeng lasing, sumayaw at nag-split sa police station

7469
Courtesy of ABS-CBN News

Dinala sa police station ang isang 37 taong gulang na babae dahil sa kalasingan na nauwi sa pagwawala nito sa bar sa siyudad ng Iloilo.

Nangyari ang pagwawala nito sa Barangay Boulevard Molo. Nang makarating Police Precinct 1, sumayaw at bumirit ng mga kanta ng Aegis ang babae.


Humugot pa raw ito ng kaniyang mga kasawian sa pag-ibig at nag-split.

Dagdag pa ng mga pulis, hindi ito ang unang beses na dinala siya sa police station dahil sa kalasingan.

Nasa kustodiya lamang muna siya ng mga pulis hangga’t hindi pa nawawala ang kalasingan.

Hindi naman tinukoy ang pangalan ng babae.

Umabot naman sa 2,000 comments na may sari-saring reaksyon mula sa mga netizen.

Facebook Comments

From Advertisers