DAHIL SA MASAMANG PANAHON | Ilang kalsada sa luzon, isinara ng DPWH

20

Nananatiling sarado pa rin sa daloy ng trapiko ang siyam na pangunahing kalsada sa Luzon dulot ng masamang panahon.

Kabilang sa mga isinara munang kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay ang:

– Abra-Ilocos Road sa Cordillera
– Abra-Cervantes Road sa Cordillera
– Bahagi ng Acop-Kapangan-Kibungan-Bangun Road sa Benguet
– Tibuk Banaue Road sa Lower Kalinga
– Junction Talubin Road sa Mountain Province
– Kennon Road sa Baguio
– Subol Bridge sa Pangasinan
– Baliuag-Candaba Road sa Pampanga
– Candaba-San Miguel Road sa Pampanga

Ayon sa DPWH, karamihan sa mga isinarang kalsada ay lubog pa rin sa tubig-baha, nag-collapse o nagkaroon ng landslide.

Tiniyak naman ng DPWH na nagpadala na sila ng maintenance crew para magsagawa ng restoration work at maglagay ng mga warning sign para sa mga motorista.

Facebook Comments