Manila, Philippines – Patay ang 46-anyos na preso matapos mahirapang huminga dahil sa init at sikip sa detention cell ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao Police Station 7.
Kinilala ang namatay na preso na si Paulo Estrada Lopez na nakulong dahil sa kasong estafa.
Sa ulat, napansin ni SPO1 Marlon Rivera, desk officer ng Cubao police station ang komosyon at pagkakagulo ng mga preso sa loob ng kanilang selda.
Nang usisain, nalaman nito na nahihirapan sa paghinga si Lopez kaya inutusan nito ang kasamahang si PO1 Stanley De Guzman na dalhin ang preso sa Quirino Memorial Medical Center subalit idineklara itong dead-on-arrival.
Hindi pa naman malinaw kung anong dahilan ng pagkamatay nito kung kaya at patuloy pa din iniimbestigahan ang insidente.