DAHIL SA NAIWANG SINAING | Estudyanteng tumakas sa klase, patay nang mahulog sa bakod ng eskwelahan sa Zamboanga Del Norte

Zamboanga Del Norte – Patay ang isang estudyante matapos aksidenteng
mahulog sa bakuran ng paaralan nang subukan nitong tumakas sa klase sa
Barangay Ramon Magsaysay, Sindangan, Zamboanga Del Norte.

Ayon sa Sindangan PNP, napag-alaman na nagbalak umano ang 20-anyos na
estudyanteng si Lofrey Ordialez, na tumakas sa kanyang klase para umuwi sa
kanilang bahay dahil sa naiwan nitong sinaing.

Dahil dito, sinubukan ng biktimang tumalon sa bakod ng paaralan pero
sumabit ang kanyang pantalon sa nakausling bakal na naging dahilan ng
pagkabitin at pagkahulog nito.


Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima sa pinakamalapit pero
idineklara itong dead on arrival.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments