SALVAGE VICTIM? | Bangkay, natagpuan sa bakanteng lote sa GenSan

General Santos – Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa isang bakanteng
lote sa Purok Udagre, Brgy. Conel, lungsod ng General Santos.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakita umano ng isang magsasaka ang bangkay na
nakatali ang mga kamay at paa at nakabusal ang bibig.

Wala rin itong damit pang-itaas at tanging pulang shorts lang ang suot.


Napag-alaman namang may dalawang saksak ito sa kaliwang kili-kili at
ginilitan pa ng leeg.

Pinaniniwalaang biktima ito ng salvage at itinapon lang sa nasabing
barangay dahil hindi ito kilala ng mga residente sa lugar.

<#m_-4888149139203359451_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments