Dahil sa pag dirty finger, seafarer arestado

37

Kalibo, Aklan – Arestado ng miyembro ng Kalibo PNP ang isang seafarer matapos na ito’y mag dirty finger sa isang pulis kagabi.
Ang nasabing seafarer ay isang 32-anyos at residente ng Lezo, Aklan.
Base sa report ng Kalibo PNP, na inaresto ang suspek matapos na mag dirty finger sa isang pulis na nag-overtake sa kanyang sinasakyang tricycle sa may Gaisano Capital, Brgy. Andagao, Kalibo.
Matapos na makita ng pulis agad itong huminto at bumaba sa kanyang motorsiklo saka pinahinto rin ang tricycle na sinasakyan ng suspek at inaresto.
Sa ngayon ay naka kulong ang suspek at wala namang maibigay na dahilan kung bakit ito nag dirty finger sa pulis.


Facebook Comments