Tour guide na wanted sa kasong frustrated homicide, arestado

34

Malay, Aklan – Arestado ng mga otoridad ang isang tour guide na wanted ngayong tanghali sa Brgy. Caticlan, Malay, Aklan.
Nakilala ang akusadao na si Guy Sarabia, 36-anyos, tubong Linabuan Sur, Banga at temporaryong nakatira sa Brgy Balabag, Malay Aklan.
Inaresto si Sarabia ng mga taga Aklan PPOIDMS Trackers Team, Malay MPS, 605th MARPSTA, Aklan PHPT at CIDG-Aklan sa pamamagitan ng bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Homicide at may Criminal Case No. 15369 na inisyu ni Hon. Joebil B. Demoro, Presiding Judge, RTC 6, Branch 2, Kalibo, Aklan at may petsang Mayo 19, 2020.
P 72,000.00 pesos na pyansa ang itinakda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa ngayon, si Sarabia ay nasa kustodiya na ng Aklan PPO at nakatakdang iturn-over sa korte.


Facebook Comments