Manila, Philippines – Kinasuhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Dept. of Justice ang isang importer at broker dahil sa P7.8 million na halaga ng misdeclared na mga mamahaling sasakyan.
Ang mga kinasuhan ay sina Julius Catalig, may-ari ng Juljerjac Trading at customs broker na nagproseso ng shipment na si Rodrigo de Guzman.
Partikular na isinampa laban sa kanila ang paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ayon kay Atty. Yassel Ismail Abbas, Director ng Legal Service ng BOC, ang shipment ng Juljerjac ay kinabibilangan ng dalawang segunda manong Mercedes Benz at mga gulong .
Ang nasabi kasing kargamento ay idineklara lamang bilang mga auto parts nang ito ay dumating sa bansa noong July 29 mula sa Hong Kong.
Facebook Comments