DOLE, humihingi ng dagdag na pondo

Manila, Philippines – Humihirit sa bicam si Labor Sectetary Silvestre Bello III ng dagdag na pondo sa harap ng tensyon sa Middle East.

Nais ni Bello na dagdagan sana ang kanilang budget ng 1.1 billion pesos na gagamitin nila sa sandaling kailanganing iuwi sa bansa ang mga OFW’s mula sa mga bansang Qatar, Lebanon at Saudi Arabia.

Sa ngayon ay mayroon daw 240 thousand na mga Overseas Filipino Workers sa mga bansang ito.


Sa ngayon ay normal pa naman ang sitwasyon sa Lebanon habang maayos naman ang kalagayan ng mga Pinoy sa Saudi.

Facebook Comments