Manila, Philippines – Sinibak na sa kanyang pwesto bilang Deputy ng Army Human Rights Office ang army officer na si Colonel Rogelio Migote ito ay matapos na ireklamo dahil sa pamomolestiya nito sa isang army applicant.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lieutenant Colonel Louie Villanueva, natanggap nila ang reklamo kahapon laban sa opisyal kaya agad rin itong ipinatawag.
Aniya ngumingiti lamang ang army officer nang tanungin kung ginawa nya o hindi ang reklamo.
Si Migote aniya ay taga Northern Part ng Luzon na ngayon ay isa sa mga nangangasiwa sa recruitment ng Philippine Army.
Mananatili aniya ito sa holding center ng Philippine Army habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Inaasahan aniyang sa susunod na Linggo ay matatapos ang imbestigasyon sa reklamo.