DAHIL SA PAROL? | Ilang mga mamimili, nabulabog sa nangyaring sunog sa isang mall sa Taguig City

Manila, Philippines – Nataranta at nabulabog ang mga tao matapos magkasunog sa isang mall sa Taguig City.
Kasalukuyan pa din inaantay ang resulta ng imbestigasyon ng fire department ng lungsod pero ayon sa Southern Police District, dalawa ang kumpirmadong sugatan.
Sa ulat, nasunog ang mga parol na desensyo sa activity center ng Market Market na nagsimula alas 7:45 kagabi.
Nagtakbuhan ang mga tao dahil sa laki ng apoy at makapal na usok sa paligid kung saan hindi pa tukoy kung ano ang dahilan ng pagkasunog ng parol .
Agad naapula ang sunog makalipas ang ilang minuto kaya’t nabalik sa normal ang sitwasyon sa nasabing mall.

Facebook Comments