DAHIL SA PERA | Isang lalaki, patay sa pamamaril sa Caloocan City

Caloocan City – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng suspek na nakaalitan nito dahil sa pera sa Caloocan City.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan na ikinamatay ng biktimang si Anok Sokgang, 21-anyos.

Sa ulat, narinig ng mga kaanak na may kaaway ang biktima sa telepono kaya nanghiram ng sumpak.


Pero paglabas nito ng bahay ay nakaabang na ang suspek na kinilala lang sa pangalang ‘Randy’ saka pinagbabaril ang biktima.

Posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang krimen lalo at kilala ang suspek sa bentahan ng shabu.

Facebook Comments