NANLABAN | Dalawang drug pusher, patay sa buy bust operation sa Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang dalawang hinihinalang drug pusher matapos makaengkwentro ng pulisya sa buy bust operation sa Barangay sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Amado Millette, 40-anyos at isang alyas ‘Michael’.

Nakatunog ang mga suspek na target ng mga pulis ang kanilang mga katransaksyon.


Dito na pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis dahilan upang gumanti ang mga ito.

Nabawi sa mga ito ang 18 sachet ng shabu na may halagang nasa 40,000 pesos, kalibre-45 at kalibre-35 baril.

Facebook Comments