DAHIL SA SAMA NG PANAHON | Mga laro ngayong araw sa NCAA Season 94 kanselado

Manila, Philippines – Dahil sa sama ng panahon, nagdesisyon ang management committee ng season 94 ng national collegiate athletic association na kanselahin ang mga laro ngayon araw na ito sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Ayon kay NCAA Management Committee Chair Frank Gusi ng Host Perpetual Help na gagawin ang mga larong nakansela pagkatapos ng elimination round.

Target sana ngayong araw ng defending champion San Beda Red Lions ang ikalawa nilang panalo kontra Jose Rizal Heavy Bombers.


Habang nais namang patunayan ng Mapua Cardinals na hindi tsamba ang kanilang naunang panalo sa paghaharap nila ng Letran Knights.

Magtutuos naman sa ibang araw ang Perpetual Help Altas at ang Arellano Chiefs.

Kanselado rin ang tatlong juniors game ngayon araw na ito.

Facebook Comments