DAHIL SA SELOS | Lalaki patay matapos saksakin sa Caloocan City

Caloocan City – Selos ang tinitignang motibo ngayon hinggil sa pamamaslang sa isang jeepney driver sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Marvin Espinosa, 29-anyos na residente ng No. 64 Bisig ng Nayon Street, Barangay 4 ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ang nakatakas na suspek na nakilalang si Philip Tumalad.


Sa ulat, nasa loob ng kanyang bahay ang biktima kasama ang kaibigan na si Mary Joy Ramos nang puwersahang pumasok ang suspek at agad na sinaksak ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pananaksak habang isinugod sa Caloocan City Medical Center ang biktima ngunit namatay din ito habang ginagamot

Facebook Comments