Dahil sa selos, lalaki pinagsasaksak sa Quezon City

Quezon City – Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng nakaaway nito sa Austria St. kanto ng General Luis Novaliches Quezon City kagabi.

Nakilala lamang ang biktima sa alyas na Jemar tinatayang nasa edad 25-30 anyos.

Ayon kay SPO1 Ronnie EreƱo ng Criminal Investigation and Detection Unit, 2 saksak ang bumaon sa katawan ng biktima.


Tila sinalag pa aniya ni alyas Jemar ang kutsilyo matapos makitaan ng tama ng patalim sa braso habang mayroon din itong butas sa dibdib.

Lumalabas na posibleng sa selos o love triangle ang sanhi ng pagtatalo ng 2 lalaki base na rin sa kwento ng mga residente.

Pinaghahanap na ang suspek na si alyas Pekto na agad nakatakas bitbit ang murder weapon.

Facebook Comments