Lalaki, patay matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Muntinlupa City

Muntinlupa City – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng 2 riding in tandem sa Manuel Quezon St. Purok 5 Brgy. Cupang Muntinlupa City kaninang madaling araw.

Nakilala biktima na si Valerio Villaflor alyas Boyet 48 taong gulang.

Ayon sa brgy. tanod na si Arnel Lorenza alas dos ng madaling araw, nagulat nalang sila ng makarinig ng 9 na putok ng baril at nakitang nakabulagta na ang biktima.


Nakita din nila na tumatakas ang 4 na lalaki gamit ang 2 motorsiklo papuntang Brgy. Sukat .

Sa record ng brgy. at base sa nalalaman ng mga residente, dating adik ang napatay ng riding in tandem.

Itinanggi naman ng kamag-anak ang nasabing paratang sa biktima.

Inaalam pa ang motibo sa nasabing pamamaril.

Facebook Comments