Dahil sa siksikang mga kulungan, nasa 26 na preso na sa iba’t ibang kulungan sa Metro Manila namatay

Manila, Philippines – Nasa 26 na preso na sa iba’t ibangkulungan sa Metro Manila ang namatay dahil sa iba’t ibang sakit  dahil sa siksikang mga kulungan.
  Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albyalde,simula July1 nang magsimula silang makapagtala ng mga nasawing preso.
  Ayon kay Albayalde biglang lumubo ang bilang ng mganakakulong dahil sa kampanya sa ilegal na droga.
  Aniya, hindi naman nila basta mailipat ito sa kulungan ng BJMP hanggat walang court order.
  Sa Taguig City nasa 18 na ang namamatay na preso.
  Binisita ni Albayalde ang MPD INtegrated District Jail atiniulat ni MPD Chief Joel Coronel na sa nakalipas na anim na buwan ay 6 napreso na rin ang namatay sa kanila.
  Kabilang sa mga dahilan ng kamatayan ay TB,cardiac arrest,blood infection at heart attack at sa poor hygiene ng kulungan.
  15 preso rin sa ngayon sa MPD integrated district jailang nangangailangan ng atensyong medikal kabilang ang isang 3 buwang buntis.
  Binisita na ng mga tauhan ng manila city health officeang mga nasabing preso.
Overcrowded ang MPD integrated district jail na maykapasidad lamang na 100 pero nasa 168 na ang nakakulong.
 

Facebook Comments