DAHIL SA SUNOG | NCCC Mall Davao, posibleng gumuho?

Davao City – Posibleng tuluyan nang gumuho ang nasunog na NCCC mall sa Davao City.

Ayon kay Fire Superintendent Jerry Candido, tagapagsalita ng Inter-Agency Anti-Arson Task Force (IATF) – marupok na ang gusali matapos na mababad sa 500 degrees Celsius na temperatura sa loob ng 33 oras nang ito ay masunog.

Dahil dito, hindi muna itu-turn over ng IATF ang mall sa may-ari nito sa pangambang magpasukan ang mga tenants.


Nakatakda rin itong isalalim sa documentation para malaman kung sino ang dapat kasuhan sa insidente.

Facebook Comments