Dahil sa takot sa ASF, bentahan ng baboy naging matumal

Wala pa ring paggalaw sa presyo ng baboy.

Ito ay kahit naging matumal ang pagbebenta nito sa ilang palengke dulot ng African swine fever (ASF).

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo – nasa 110 hanggang 120 pesos ang farmgate price ng baboy o 190 hanggang 200 pesos sa mga palengke.


Pero ang presyo ng manok, tumaas.

Sinabi naman ni Rosendo So, presidente ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) – nasa 113 hanggang 118 pesos kada kilo naman ang presyo ng baboy sa backyard piggery.

Samantala, aprubado na ni Pangulong Duterte ang hiling ng Department of Agriculture (DA) na 82 million pesos bilang paglaban sa ASF.

Nanawagan ang DA sa publiko na agad i-report sa kanila kapag namatayan ng alagang baboy o nakitaan ng sintomas ng ASF.

Facebook Comments