Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Department of Finance (DOF) na tumaas sa 13.6% ang kita ng bansa ngayong 2018 dahil sa TRAIN.
Sa pagdinig para sa P3.757 Trillion na pambansang pondo sa susunod na taon, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na ang pagtaas ng revenue ng bansa ay bunsod ng pagtaas ng nakokolektang buwis dahil na rin sa mga repormang ipinapatupad ng Duterte Administration.
Ayon kay Dominguez, malaki ang naitulong ng TRAIN Law para sa patuloy na improvement ng tax collection sa bansa.
Sinabi pa nito na tumaas ang kita ng bansa na umabot sa P33.7 Billion dahil sa pagpapatupadng TRAIN Law.
Dahil dito, umangat ang nakokolektang buwis ng pamahalaan sa 17% na mas mataas sa target ng gobyerno na 3%.
Tumaas din sa 20% ang sin tax collection sa P1.1 Trillion na mas mataas kumpara sa 193 billion noong 2016.
Bukod dito tumaas din ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) na umabot sa 33% habang ang ibang non-tax revenues ay tumaas sa 45% sa unang kalahating taon ng 2018.