DAHIL SA TRAIN LAW | DOF, nagbabala sa pagtaas ng cigarette smuggling sa bansa

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Finance (DOF) sa posibleng pagtaas ng cigarette smuggling kasunod ng pagpapataw ng mataas na buwis sa tobacco products sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Sa first half ng 2018, nasa 32.5 pesos na ang halaga ng isang pakete ng sigarilyo at tataas pa ito sa 35 pesos simula sa Hulyo 2018 hanggang Disyembre 2019.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, inaasahan nila na tataas ang bilang ng mga pagpuslit ng mga counterfeit na sigarilyo lalo at umalis ang isa sa mga malalaking market players.


Tiniyak naman ng finance department na pinaigting ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kanilang mga hakbang para labanan ang smuggling sa bansa.

Facebook Comments