DAHIL SA ‘TSISMIS’: Ogie Diaz, binatikos ang isang DJ na tinukoy si Liza Soberano sa blind item

COURTESY: FACEBOOK/OGIE DIAZ

Idinaan sa Facebook ni Ogie Diaz ang saloobin para sa isang DJ na naglabas umano ng malisyosong tsismis laban sa aktres na si Liza Soberano.

Binatikos ni Diaz ang DJ na si Kapitana Sisa, na nag-blind item sa kaniyang YouTube live tungkol sa isang aktres na dalawang beses nabuntis kaya nawala pansamantala sa telebisyon.

“Bakit mo tinanggal yung uploaded video mo sa youtube?
Kala ko naman, pinaninindgan mo yung tsinika sa yo ng source mo against Liza Soberano? O eh bakit nawala?


“Kasi nga, fake news at binobomba ka ng mga fans ni Liza at ng LizQuen sa paninira mo.

“Lalo na at ang lala ng blind item mo. At ikaw mismo ang nagtuturo na si Liza ang tinutukoy mo.”

Ikinumpara ni Diaz ang mga blind item na inilalabas niya na aniya may basehan hindi gaya ng sa DJ na “paiba-iba ang source.”

“Kapitana, nagba-blind item din ako. Pero dapat may basis ka. Lalo ka na, yung youtube live mo, paiba-iba ang source mo, halatang nag-iimbento ka.”

Pinuna rin ni Diaz ang paghingi ni Kapitana SISA ng “padilaw” o P500 sa mga viewers nito kapalit ng mga isisiwalat niya pang clues.

“Me style ka rin kung paano manghingi to a point na ipapa-western union pa ang padala sa yo.

Hinamon ng Kapamilya star ang DJ na maglabas ng ebidensya na magpapatunay sa mga akusasyon.

“Kung confirmed ang nakarating sa yo, suportahan mo ng ebidensiya kung saang ospital nagparaspa at hawak mo ang record or certification kung ano ang ginawa sa kanya.

“Go ka din sa ospital sa US and research kung totoo. O kahit ospital dito kung merong naganap na raspahan.”

Nag-alok pa si Diaz na magbibigay siya ng P1 milyon kung mapatutunayan daw ang akusasyon.

Kung lumabas naman aniya na imbento lang ito, sapat na raw sa kaniya ang isang “kutos sa ulo” ng DJ.

Nakuha pang payuhan ni Diaz ang DJ kung paano sumikat sa social media.

“Gawa ka ng mabuti o gawa ka lang ng masama. Ikaw ngayon ang mamili kung alin ka diyan sa dalawa.”


Huwebes, katatapos lang ng ikalawang finger surgery sa U.S ng Kapamilya star Soberano, na kasalukuyan pa ring nagpapagaling.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang radio station na kinabibilangan ng DJ, na nagsabing hindi pinahihintulutan ng management ang mga paninira, ngunit nagpaalala na responsibilidad ng kanilang mga DJ ang anumang bagay na inilalabas sa kani-kanilang sariling social media accounts.

Facebook Comments