Teleseryeng kabilang si Eddie Garcia, hinold muna ng GMA 7

File photo

Sinabi mismo ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia na hinold ng GMA 7 ang pinagbibidahan niyang soap opera na “Rosang Agimat” dahil sa disgrasyang sinapit ni yumaong Eddie Garcia.

Matatandaan nagtamo ng severe neck and cervical fracture si Manoy matapos umanong mapatid sa kable ng production team habang nagtataping ng noong Hunyo 8 sa Tondo Manila.

Malipas ang halos dalawang linggo pakikibaka, tuluyan binawian ng buhay ang beteranong aktor sa edad na 90.

Naging maugong ang balitang nagdesisyon ang Kapuso network na i-shelve ang Rosang Agimat. Kaugnay nito, inanunsyo ng istasyon nitong linggo ang pagtatapos ng kanilang imbestigasyon ukol sa insidente ngunit hindi pa ito isasapubliko alinsunod sa kahilingan ng pamilya.

Ani Gabbi, nauunawaan niya ang ginawang hakbang ng ‘Siyete at masakit para sa kanila ang nangyari sa batikang movie icon.

“It happened and walang may gusto… It was an accident and, you know, I don’t want to be selfish ‘tapos sasabihin ko nakakalungkot, kasi lahat naman kami nawalan ng trabaho,” dagdag pa ng celebrity.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa din nila ang pahayag ng pamunuan kung ano nang mangyayari sa upcoming drama.

Facebook Comments